Itaas Siya at masdan Upang tao'y mabuhay; Bigay N'ya sa nauuhaw Ay ang tubig ng buhay; Bagama't nagpakababa'y Puno ng kalangitan; Ang bulag, sa dugo Niya'y Makakakitang tunay.
REFRAIN
Itaas sa naghihintay Ang ating Manunubos; Kamalian ay takasan, Ito ang Kanyang utos.
Itaas Siya't bayaang Masadan ng karamihan; Ang humahanap sa Kanya'y Ipipisa sa kawan; Sila ay magkakatipon Nang buong kagalakan, Krus ni Jesus ay dadalhi't Kaligtasan ay laan.
Ang Anak ng Diyos sa langit, Ibunyi't l'walhatiin; Sa pag-ibig N'yang taimtim, Sila'y palalapitin; Ang krus at ang kamataya'y Bayaang muling dinggin; At sa mga dila't dila Ito'y ulit-ulitin.
Itaas nga Siya sa awit, Itaas sa dalangin; Inako ng Manunubos Lahat ng sala natin; Bata'y yuyukod sa Kanya't Matanda'y sa awitin; Ang bingi'y makakarinig; At pipi'y pupuri rin.